-- Advertisements --
tsai ing wen 2
Taiwan President Tsai Ing-wen supports Hong Kong’s freedom, democracy and human rights against China’s national security legislation.

Nangako si Taiwan President Tsai Ing-wen na patuloy nitong susuportahan ang Hong Kong kasunod ng naging desisyon ng China na ipatupad ang national security legislation sa naturang rehisyon.

Inendorso na kasi ng National People’s Congress (NPC) ang resolusyon na magbibgay pahintulot sa Standing Committee ng Hong Kong para gawin nang batas ang isinusulong na national security bill ng China sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Tsai, batay umano sa Basic Law ng Hong Kong ay hindi maaaring palitan o baguhin ang umiiral na “one country, two systems” sa lungsod na nagbigay-daan naman ng kalayaan ng Hong Kong mula sa China.

Nagawa pa nitong pagbintangan ang China na si-umano’y sinira nito ang pangakon na “one country, two systems” formula. Dahil daw dito ay mas lalo lamang lalala ang sitwasyon sa Hong Kong na naging rason para gumulo ang dating payapang lugar.

Dagdag pa ni Tsai na handang makipagtulungan ang Taiwan sa iba pang democratic partners sa buong mundo para suportahan ang Hong Kong.

Hindi raw hahayaan ng Taiwan na makitang unti-unting nakawin ng China ang kalayaan, demokrasya at karapatan na tinatamasa ng Hong Kong.