Namataan na naman ang nasa 38 Chinese military planes na pumasok sa air defence zone ng Taiwan.
Ito na ang itinuturing na largest incursion ng Beijing sa kasalukuyan kasabay ng ika-72 founding anniversary ng People’s Republic of China.
Ayon sa Defence Ministry ng Taiwan na pumasok ang naturang mga Chinese military aircraft sa Air Defence Identification Zone (ADIZ) kabilang ang apat na H-6 bombers na kayang magdala ng nuclear weapons at anti-submarine aircraft.
Nasa 25 People’s Liberation Army (PLA) planes din ang pumasok sa south-western part ng ADIZ malapit sa Pratas islands.
Sinundan pa ito ng 14 Chinese aircraft na namataan sa may Bashi channel na malapit sa katubigan sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.
Agad namang umaksiyon ang Taiwan at ipinakalat ang mga combat aircraft nito para bigyan ng warning ang Chinese aircraft habang idineploy ang missile systems ng Taiwan para ma-monitor ang aktibidad ng Chinese aircraft.
Nauna rito, inihayag ng China na ang naturang mga aktibidad nito sa teritoryo ng Taiwan ay bilang pagprotekta ng sovereignty ng bansa laban sa collusion umano sa pagitan ng Taiwan at Amerika.