-- Advertisements --

Nagsagawa ng drill ang air force jets ng Taiwan para masanay sa pagharang sa mga eroplano ng China.

Pagkatapos ang pagtunog ng sirena sa airbase sa Chiayi City ay agad na lumipad ang US-made F-16 fighter jets ng Taiwan.

Bahagi ito sa tatlong araw na drill para maipakita ng Taiwan ang kanilang kahandaan sakaling umatake ang mga fighter jets ng China.

Magugunitang makailang beses na namataan ng Taiwan ang mga eroplano ng China sa himpapawid na kanilang nasasakupan.

Ipinagpipilitan kasi ng China na bahagi pa nila ang Taiwan.