-- Advertisements --

Ibinunyag ng Taiwan na tumaas ang bilang ng ginagawang pang-iispiya ng China sa kanilang isla.

Ayon sa kanilang National Security Bureau (NSB) na mayroong 64 na mga indibidwal ang kanilang naaresto na inutusan ng China na mang-ispiya noong nakaraang taon.

Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara noong 2021 na mayroon 16 lamang.

Sa bilang na 64 ay 15 sa mga dito ay mga military veterans habang 28 ang aktibong miyembro ng sundalo.

Tinatarget ng mga ispiya ang kanilang military units, ahensiya ng gobyerno at mga lokal na asosasyon ng Taiwan.

Magugunitang ipinagpipilitan ng China na bahagi ng kanilang bansa ang Taiwan subalit ito ay hindi kinikilala ng maraming mga bansa.