-- Advertisements --

Nais ng Taiwan na bigyang linaw ng US tungkol sa polisiya nito sa kanilang bansa at ang patuloy na pagtulong sa kanila na mapanatili ang kanilang depensa.

Ayon sa Foreign Ministry ng Taiwan patuloy silang umaasa na nasa likod nila ang US sakaling ipagpatuloy ng China ang pagpapalipad nito ng kanilang eroplanong pandigma sa air defense ng Taiwan.

Iginigiit kasi ng China na parte pa rin nila ang Taiwan at handa silang gumamit ng puwersa kung kailangan.

Magugunitang iniulat ng Taiwan na nasa 148 na eroplano ng China ang nakitang lumipad sa kalawakan nasakop ng Taiwan.