-- Advertisements --

Naka-heightened alert ngayon ang Taiwan matapos ma-detect ang multiple waves ng missile firings sa China.

Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan, na-detect nito ang missile firing ng Rocket Force and army ng China sa mga probinsiya at rehiyon ng Inner Mongolia, Gansu, Qinghai at Xinjiang mula 6am noong Sabado.

Ang inilunsad na firings ng China nitong Linggo ay ilang araw lamang mula ng magsagawa ito ng test-launch sa intercontinental ballistic missile noong Miyerkules sa Pacific Ocean.

Umani naman ito ng batikos mula sa ibang mga bansa sa rehiyon. Mariing kinondena din ng Taiwan ang aksiyon ng China at hinimok ang Beijing na pairalin ang pagpipigil at itigil na ang reckless military drills na nagpapasidhi ng tensiyon sa rehiyon.