-- Advertisements --
May malaking pangangailangan ngayon ng mga manggagawang Pinoy sa Taiwan.
Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III na mayroon 8,000 na bakanteng trabaho ngayon ang Taiwan para sa mga Overseas Filipino Workers.
Ang nasabing mga trabaho ay kasaman iaalok sa job fair na gaganapin mula Setyembre 9 hanggang 11 sa lungsod ng Laoag at Vigan.
Aabot din sa 17 mga manpower agencies at employers sa Taiwan ang lalahok sa nasabing job fairs.
Isa mga magandang balita pa dito ay may ilang kumpanya ang handang sagutin ng mga gastusin ng mga papasang aplikante.
Pinayuhan na lamang ni Bello ang mga aplikante na tignan ang update sa portal ng Department of Migrant Workers p ara sa bakanteng trabaho para sa Taiwan.