-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang southern Taiwan.

Ayon sa mga otoridad naramdaman ang lindol malapit sa Chiayi City nitong madaling araw ng Martes.

May lalim ito na 9.4 kilometers at ang epicenter ay sa bayan ng Dapu sa Chiayi county.

Nagtala ng bahagyang damyos ang ilang gusali kung saan may ilang nailigtas ng mga rescuers na mga kataong hindi nakalabas sa gusali sa Tainan City.

Matatagpuan kasi ang Taiwan sa pagitan ng dalawang tectonic plates kaya madalas ang paglindol.

Huling nakaranas ng lindol ang Taiwan ay noong Abril ng nakaraang taon na mayroogn 7.2 magnitude na pagyanig sa Hualien county na ikinasawi ng 13 katao.

Mayroong mahigit 100 katao rin ang nasawi sa lindol sa southern Taiwan noong 2016 at noong 1999 ay mahigit 2,000 katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 7.3 na lindol.