Pinalawig pa ng Ministry of Foreign Affairs (MoFA) ng Taiwan ang visa-free entry program nito para sa mga Pilipino.
Ang naturang programa ay nakatakda sanang mapaso sa August 1, 2024.
Gayonpaman, sa inilabas na statement ng Bureau of Consular Affairs, nakasaad dito na papalawigin pa ito ng hanggang July 31, 2025.
Sa ilalim ng programa, ang mga Pilipino ay maaaring makapag-apply para sa visa exemption program basta’t hindi lalagpas sa 14 days ang kanilang pamamalagi sa Taiwan.
Kailangan lamang ng mga Pinoy travellers na magpakita ng kanilang booking para sa accommodation, contact information ng magsisilbing host o sponsor, at sapat na pondo o allowance.
Hindi naman kasali dito ang mga Pilipinong may diplomatic o service passports, maging ang mga crew ng mga barko o sasakyang panghimpapawid na planong mag-report sa kanilang duty habang nasa Taiwan.
Sa kasalukuyan, mayroong humigit-kumulang 200,000 na mga Pinoy naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan.
Samantala, maliban sa Pilipinas ay bukas din ang visa-free entry para sa mga mamamayan ng Thailand at Brunei.