-- Advertisements --
Nanawagan si Taiwan President Lai Ching-te sa China na tigilan na nito ang pananakot sa kanila.
Laman ito ng kaniyang talumpati matapos na manumpa muli bilang pangulo sa ikatlong sunod na termino ng Democratic Progressive Party (DPP).
Ang 64-anyos na si Lai ay dating doctor at dating vice president ay nanumpa kasabay ng kaniyang bagong Vice President na si Hsiao Bi-Khim na nagsilbi rin bilang ambassador ng Taiwan sa US.
Dagdag pa nito na dapat samahan na lamang ng China ang Taiwan an isulong ang kapayapaan sa lugar.
Magugunitang laging ipinagpipilitan ng China na bahagi ng kanilang bansa ang Taiwan.