-- Advertisements --

Tinawag ng Taiwan na isang malaking pagkakamali ang naging desisyon ng China na ipagbawal ang pagbibigay ng individual travel permits sa mga Chinese nationals na nanaising bumisita sa naturang estado.

Ito ay sa kabila ng pagbuhos ng Chinese tourists sa Taiwan na naging isa sa dahilan kung bakit gumanda ang turismo rito.

Ayon kay Taiwan president Tsai Ing-wen, ang paggamit umano ng mga turista upang atakihin ang kanilang estado ay magsisimula lamang ng pagkamuhi mula sa kanilang mamamayan.

Dagdag pa nito, hindi raw hahayaan ng kaniyang gobyerno na patuloy na manipulahin ng China ang kanilang industriya.