-- Advertisements --

Arestado ang Taiwanese actor na si Darren Wang dahil umano sa pamemeke ng medical records para hindi ito sumailalim sa military duties.

Nasa batas kasi ng Taiwan na ang lahat ng mga lalaki ay dapat sumailalim sa military service sa loob ng isang taon.

Pinalawig ito ng gobyerno ng Taiwan noong 2022 kung saan dati ay apat na buwan lamang subalit dahil sa banta umano sa China ay kanilang pinalawig ng isang taon.

Ang 33-anyos na actor ay inaresto sa kaniyang bahay at pansamantalang pinalaya matapos maglagak ng piyansa.

Iniimbestigahan din ito ngayon dahil sa pagkakasangkot umano sa attempted murder.