-- Advertisements --
Tatakbo bilang bise presidente ng Taiwan ang 60-anyos na beteranang actress na si Tammy Lai.
Pinili siya ng bilyonaryong si Terry Gou na maging running mate sa halalan na gaganapin sa Enero.
Maraming mga mamamayan ng Taiwan ang nagulat dahil sa kawalan ng karanasan na maglingkod sa publiko ang actress.
Si Guo na founder ng Iphone maker na Foxconn ay tatakbo bilang independent.
Sinabi ni Guo na si Lai ay isang sikat na all-around writer at spiritual mentor na nararapat sa nasabing posisyon.
Aminado si Lai na kaunti ang kaalaman niya sa pulitika pero handa naman niya ibigay ang lahat ng makakaya para tulungan ang mga mamamayan.