-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng women’s featherweight boxing si Taiwanese boxer Lin Yu-ting.

Ito ay kasunod ng kontrobersiya na kaniyang kinakaharap ukol sa kaniyang eligibility.

Si LIn at Imane Khelif ng Algeria ay lumaban pa rin sa Paris Olympics kahit na dinisqualified ng World Championships ng International Boxing Association (IBA) dahil sa bagsak ang mga ito sa gender eligibility test.

Si Khelif ay pasok na rin
sa finals ng welterweight division ng Olympics.

Makakaharap ni Lin si Julia Atena Szeremeta ng Poland na siyang tumalo sa Pinay boxer Nesthy Petecio.