-- Advertisements --

Nagwagi ng gintong medalya si Lin Yu-ting sa women’s featherweight boxing.

Tinalo nito si Julia Szeremeta ng Poland sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ang 28-anyos na si Taiwanese boxer ay siyang unang gold medalist ng Taiwan sa boxing.

Nagpasalamat si Lin sa mga sumuporta sa kaniya kahit may mga isyu itong kinakaharap.

Maguguintang kasama niya si Imane Khelif ng Algeria na nahaharap sa batikos dahil umano sa pagkuwestiyon sa kanilang kasarian.

Taong 2023 ng ma-disqualified ang dalawa sa International Boxing Association mula sa 2023 World Championship sa New Delhi dahil sa gender test.