Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na isang Taiwanese fugitive ang na-deport at na-blacklist mula sa Pilipinas.
Ayon sa Immigration, pinangalanang si Chen Chein Ning, 53-anyos ay umalis ng Pilipinas noong Miyerkules ng madaling araw matapos siyang arestuhin sa Makati City nitong Marso.
Noong 2006, ang Chiayi District Prosecutors Office sa Taiwan ay naglabas ng warrant of arrest para sa mga Taiwanese dahil sa mga kasong kidnapping.
Ayon sa Bureau of Immigration, si Chen ay sinasabing ringleader din ng isang kilalang sindikato sa Taiwan na gumagawa ng ilegal na droga at operasyon ng telecommunications fraud, kidnappings, at iba pang ilegal na aktibidad.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ito ay mabigat na pag-aresto para sa kanila dahil ang naturang dayuhan ay sangkot sa mga malalaking krimen sa Taiwan at matagal na ring pinaghahanap ng mga awtoridad.