KALIBO, Aklan – Pinagmulta ng Boracay Inter Agency Task Force at pulisya ang turistang babae na nasa likod ng nag-viral na larawan a social media makaraang mahanap ito ng mga otoridad kasama ang kanyang kasintahan.
Kinumpirma ni Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) general manager Natividad Bernardino na ang nasabing dayuhan ay isang Taiwanese kung saan paglabag daw sa Municipal Ordinance No. 203 series of 2003 ang ginawa nito na nagsuot ng mini bikini strip o kakarampot na tela lamang ang nakatakip sa kanyang maselang bahagi ng katawan habang naglalakad sa front beach sa Station 1.
Sinasabing pinagpiyestahan ito ng mga bakasyunista.
Paliwanag naman daw ng mga dayuhan, “form of self expression” ang ginawa ng mga ito.
Nakatakda ngayong araw na bumalik sa kanilang bansa ang mga dayuhan matapos ang ilang araw na bakasyon sa Boracay.
Maalala na hindi lamang ito ang unang beses na may mga dayuhang gumawa ng iskandalo sa tanyag na isla.