-- Advertisements --

Positibo ang naging reaksyon ng pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa naging takbo ng mga nakalipas na araw na paghahain ng Certificate of Candidacy at Certificate of Nomination and Acceptance para sa nalalapit na  2025 elections.

Ayon kay PPCRV National Coordinator Arwin Serrano, kontento ang kanilang grupo sa effort ng Commission on Elections at pagkakaroon ng bukas at transparent nito.

Mas maganda aniya ngayon ang proseso kumpara noong mga nakalipas na filing ng kandidatura.

Hanga rin si Serrano sa naging pamumuno ni Commission on Elections George Erwin Garcia.

Tiniyak naman nito na mananatiling bukas ang kanilang grupo sa anumang magiging obserbasyon ng media upang maging matiwasay at tapat ang 2025 midterm elections.