Labis ang takot at dalamhati ng mga residente sa Pakistan dahil sa malagim na plane crash na sumira sa kanilang taimtim sanang pagtatapos ng ramadan.
Sa panayam ng Star FM Baguio kay Fatima Saulat, asawa ni first officer Abbas Saulat, isa sa mga piloto na kasamahan ng mga nasawi sa nasabing trahedya, inihayag nito na magmula nang tanggalin ang lockdown sa bansa, maraming mga residente ang nakaplano nang bumalik sa kani-kanilang mga pamilya upang ipagdiwang ang Eid’l Fitr, ngunit sa kasamaang palad ay nangyari nga ang trahedya na kumitil sa 97 na mga tao.
“As the government were trying to ease the lockdown, a lot of people were trying to fly. Domestic flights have opened last week, and a lot of people were trying to get back to their loved ones to celebrate the eid and the last day of ramadan. But, this crash happened and a lot of people were shattered. We were all very sad”
Ikinuwento rin nito na matapos ang insidente ay nagpadala naman agad ng mensahe ang kanyang asawa na siya ay ligtas at hindi kabilang sa pagbagsak ng Airbus A320 Passenger Airline.
“My husband was about to take off from another airport, and he called me and reported about the crash that has happened. First he told me not to pani that all these things they are bound to happen and it belongs to Allah’s hands”