BUTUAN CITY – Malaki ang pasasalamat ni Ryan Gijapon, isa sa mga pasahero ng sumadsad na passenger vessel na M/V Starlight Saturn sa karagatan ng Bohol Province kagahapon ng alas-singko ng hapon mula pa daungan ng Surigao City Port at papunta sanang Cebu City na nakaligtas silang lahat ng 101 sakay na mga pasahero at crews.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Gijapon na sinimulan ang rescue operation kaninang alas-singko ng umaga kungsaan pinalipat sila sa barko ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy at fastcraft ng mother company ng barko.
Inihayag ni Gijapon na dakong alas-dies kagabi ay hanggang tuhod lang ang water level ng dagat kung kaya’t inantay pa ng mga rescue teams ang high tide upang sila’y ma-rescue.
Hindi umano sila pinabayaan ng mga tripolante lalo na sa kanilang pagkain mula hapunan kahapon hanggang agahan kahit na sinimulan na ang pag-rescue sa kanila pasado alas-singko ng umaga.