Nais paimbestigahan ni dating Senator Francis Pangilinan ang talamak na mga scalpers ng mga concert tickets.
Sa social media account nito ay inihalimbawa nito ang nakatakdang “Welcome Back” reunion tour ng Korean group na 2NE1.
Magaganap aniya ang nasabing konsiyerto sa Nobyembre 16 at 17 sa Mall of Asia Arena.
Sinabi nito na mabilis agad naubos ang tickets dahil ito ay ibinenta online.
Sinab nito na dahil sa online na ang bentahan ng tickets ay hindi maiwasan na may ilang gumagamit ng mga bot at artificial intelligence.
Ilan sa mga scalpers ang nagbebenta ng P38,000 hanggang P40,000 ang tickets kahit ito ang VIP ay nagkakahalaga lamang ng P16,500.
Una ng umani rin ng reklamo ang ilang mga online ticketing service noong nag-concert sa bansa si Olivia Rodrigo na mabilis itong naubos subalit marami ang nagbenta ng tickets na umabot sa P10,000 hanggang P23,000 kahit ang halaga ng tickets ay P1,500.
Bagamat ang mga lungsod ng Pasay, Quezon at San Juan ay mayroon ng ordinansa ay kailangan na mas mabigat na batas ito sa bansa.