CAUAYAN CITY- Inaasahan na ng koponan ng Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) na mayroong mga talent scouts na nakikipag-usap sa kanilang mga gold medalist sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni G. Ferdinand Narciso , tagapagsalita ng DepEd region 2 na bagamat masakit sa kanila ang maaaring paglipat ng kanilang mga manlalaro ay ipapaubaya na lamang nila para mahubog pa ang kanilang talento.
Ilan lamang sa mga nakakuha ng gold medal ay sina Jastine Fernando ng Ilagan City sa larong discus throw elementary division; Eljay Marcovista ng Ilagan City sa larong Poomsae Elementary Division; Aljean Gomez ng Cagayan na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa long jump at tripple jump secondary division.
Karagdagang dalawang ginto sa larong dance sports ang nakamit nina Jastine Lexis Aglugob at Aiza Maribella Jacinto ng Ilagan City para sa single quick step elementary division.
Umaasa ang DepEd region 2 na madagdagan pa ang kanilang gold medal dahil sa nagpapatuloy pang laro ng footsal, wushu at iba pang combative events.