-- Advertisements --
Serbisyo Caravan

CENTRAL MINDANAO – Muling dinaan sa kantahan ng mga sundalo ng pamahalaan ang kanilang pagpapaabot ng mensahe ng kapayapaan sa mga residente ng Barangay Amabel sa bayan ng Magpet, Cotabato.

Isa ang army band ng 1002nd Army Brigade sa nagbigay kasiyahan sa ginanap na Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateno (NAC) Lokal Serbisyo Caravan sa ilalim ng programang End Local Armed Conflict (ELCAC) at pinangunahan mismo ni Governor Nancy Catamco.

Gamit ang kanilang pamosong kantang “Sundalo” ipinadama ng mga kawal ang kanilang mensahe ng kahandaang ipagtanggol ang taongbayan laban sa mga kaaway ng estado.

Samantala, naghatid din ng kapayapaan sa pamamagitan ng kanyang matamis na ngiti at mala-anghel na boses sa mga taga-Amabel ang dating beauty queen at ngayon ay isa na ring kawal na si Cpl. Cherry Lomopog.