-- Advertisements --

Idineklara ngayong araw ng Taliban militants na kontrolado na nila ang Panjshir province na nag-iisang lugar sa Afghanistan na hindi pa nasasakop ng grupo.

Subalit agad namang itinanggi ito ng Afghan forces na National Resistance Front at naninindigan ng patuloy na pakikipaglaban para sa Afghanistan.

May ilang mga larawan naman ang naglipana sa social media kung saan makikitang nasa harapan ng provincial governor compound gate ang mga Taliban militants .

Nitong linggo inihayag ng leader ng Afghan resistance movement na si Ahmad Massoud na bukas ito para sa peace talks sa Taliban.

Subalit, ayon sa tagapagsalita ng Taliban na si Zabihullah Mujahid na sinubukan aniya nilang makipagnegotiate sa grupo subalit nabigo sila.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Taliban na buhaya ang kanilang group’s supreme leader na si Hibatullah Akhundzada at nakatakdang humarap sa publiko para sa deklarasyon ng bagong gobyerno sa Afghanistan.