KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa sa ngayon ng Taliban ang ilan sanmga border checkpoints sini sa pila ka mga kalapit nga lugar matapos ang panibagong pagsabog na nangyari sa loob mismo ng Mosque sa bahagi ng Kunduz city, Afghanistan dahil sa posibilidad na mangyari ulit ang ilang pagsabog anu mang oras.
Ito ang kinumpirma ni Tungal, UN member sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon sa kanya, halos 50 na ang naitalang nasawi habang halos 150 naman ang naitalang sugatan nang pinasabog ng isang suicide bomber ang katawan nito sa loob mismo ng malaking Mosque kung saan pawang mga Shia Muslim community ang nasa loob.
Inamin naman ito ng IS-K group ang nasabing pagsabog na parte umano ng pananabotahe sa ilang mga minorya lalo na ng Shia muslim community. Dagdag pa nito, matapos ang pangyayri , agad na itinaas ng Taliban ang Seguridad lalo na sa mga borders na posible daanan ng miyembro ng IS-K.
Ayon pa sito , nag-ugat ang banggaan sa pagitan ng Taliban at IS-K dahil sa alegasyon ng pagpatay diumano ng Taliban sa isang high-ranking official ng IS-K.