-- Advertisements --

BUTUAN CITY- Sinisikap aniya ngayon ng Taliban militants na makakuha ng suporta mula sa international countries.

Ito ay matapos ang pag-anunasyo nila ng bagong gobyerno sa Afghanistan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Joel Tungal Chief Security sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) Sub-Office sa Jalalabad City, Afghanistan, at tubong Pagadian City lalawigan ng Zamboanga del Sur, sinabi nito na naka-pokus aniya ngayon ang Taliban sa pag-stabilize ng kanilang gobyerno maliban pa nito ang kagustuhan na mabigyan sila ng international recognition ng United Nations (UN).

Aniya ,sakaling matupad ito dito na papasok ang mga investor na mamumuhunan sa nasabing bansa.

Liban nito sinisikap din ng Taliban na makuha ang tiwala ng mga Afghans lalo na yung mga nagtatrabaho sa Europian Company na natatakot sa kanilang buhay at seguridad sa pamamagitan ng pagbibitiw ng mga pangako na iba na ang mga ito ngayon kumpara noong nakarang mga taon.

Malalang nagpahayag ng panganmba ang Amerika matapos ang pagdeklara ng bagong gobyerno ng Taliban militants dahil sa affiliation at track records sa ibang indibidwal na itinalaga sa bagong gobyerno sa Afghanistan.