Inanunsyo ngayon ng gobyerno ng Taliban na mahigpit na ipinagbabawal na makisali sa sports sa Afghanistan ang mga kababaihan.
Ayon kay Ahmadullah Wasiq, ang deputy head ng Taliban cultural commission, batay sa kanilang Islamic Emirate at sa batas hindi pwedeng sumali sa mga sports ang mga kababaihan lalo na kung may nakikita ng parte ng katawan.
Inihalimbawa pa nito ang sikat na larong cricket kung saan makikita ang bahagi ng ulo at katawan.
Ayon sa opisyal dahil sa modernong panahon baka raw makunan ng larawan at video ang parte ng katawan ng babae na dapat sana ay nakatalukbong lamang.
Samantala, dahil sa patakaran ng Taliban, hindi ito nagustuhan ng Australia cricket kaya naman ban na rin sa kanila ang exhibition match ng men’s national team ng Afghanistan sa November.
Kamakailan lamang ilang paralympic players din na lumahok sa Tokyo Paralympics ang wala na ring balak bumalik sa Afghanistan dahil sa takot sa Taliban.
Ang mga players naman ng Afghanistan women’s soccer team ay maninirahan na rin sa Australia.