-- Advertisements --

Inakusahan ng acting defense minister ng Taliban ang Pakistan sa pagpayag na gamitin ng US ang kanilang airspace sa pagpapalipad ng drones.

Ayon kay Acting Minister of Defense Mullah Mohammad Yaqoob na nakakapasok ang drones ng US sa Afghanistan dahil sa pamamagitan ng Pakistan.

Mariing pinabulaanan naman ng Pakistan ang naging akusasyon na ito ng Taliban.

Magugunitang napatay ng US drones si al Qaeda leader Ayman al-Zawahiri noong Hulyo.