Inanunsiyo ng Taliban ang kanilang bagong interim government sa Afghanistan.
Pangungunahan ni Mullah Mohammad Hassan Akhund ang bagong goyberno.
Magiging deputy niya si Taliban co-founder Mulla Abdul Ghani Baradar.
Kabilang na itinalaga si Sarajuddin Haqqani bilang bagong acting interior minister.
Si Haqqani ang namumuno sa militant group na kilalang Haqqani network na nasa likod ng mga pagbomba sa Afghanistan noong dalawang dekadang giyera.
Itinuturing ng US ang Haqqani network bilang foreign terrorist organsation.
Ilan sa mg itinalaga sa puwesto ay sina Mullay Yaqoob bilang acting defence minister, Amir Khan Muttaqi bilang acting foreign minister at Mullah Salam Hanafi bilang second deputy.
Isinagawa ang Taliban ang anunsiyo ng kanilang bagong gobyerno ilang araw bago tuluyang nakopkop ang buong Afghanistan.