Itutuloy umano ng Taliban ang pag-atake nila sa mga puwersa ng gobyerno ng Afghanistan.
Ito’y ilang araw lamang makaraang lumagda ng kasunduan sa Estados Unidos na naglalayong magdala ng kapayapaan sa naturang bansa.
Ayon sa tagapagsalita ng grupo, naobserbahan daw nila na bumaba umano ang karahasang nangyari isang linggo bago ang pagpirma sa deal.
Tiniyak naman nito na hindi nila gagawing target ang mga international troops.
Iginiit din ng mga militante na hindi sila interesadong ituloy ang negosasyon kung hindi papayag ang Afghan government na pakawalan ang nasa 5,000 Taliban prisoners.
Una nang sinabi ni Afghan President Ashraf Ghani na umaalma sila sa nasabing probisyon.
“There is no commitment to releasing 5,000 prisoners,” wika ni Ghani. “This is the right and the self-will of the people of Afghanistan. It could be included in the agenda of the intra-Afghan talks, but cannot be a prerequisite for talks.” (BBC)