-- Advertisements --

Ipapatupad ng Taliban ang mga mabigat na kaparusahan gaya ng bitay at pagputol ng mga kamay at paa o amputations sa Afghanistan.

Sinabi ni Mullah Nooruddin Turabi ang namumuno sa prison na mahalaga ang amputations para raw sa seguridad.

Dagdag pa nito na walang magdidikta sa kanila kung ano ang batas na kanilang ipapatupad.

Mula noong mamuno ang Taliban sa Afghanistan noong Agosto 15 ay nangako sila na hindi magiging mabigat ang kanilang ipapatupad na kaparusahan.

Taliwas naman ito sa dumating na ulat sa Human Rights Watch na mayroong nagaganap na human rights abuses sa nasabing bansa.

Noong dekada 90 kasi ang pagbibitay ay isinasagawa sa sports stadium sa Kabul.