-- Advertisements --
Taliban spokesperson Zabihullah Mujahida
Taliban representatives

Ipinagmalaki ng Taliban militant group na mas kawalan pa ng US ang pagkansela nito ng peace talks kaysa sa kanila.

Ayon kay Taliban spokesperson Zabihullah Mujahida naging maayos na sana ang lahat subalit biglang kinansela ni US President Donald Trump ang plano nitong peace talks.

Inakusahan pa nito ang US na immature at walang alam.
Magpupulong din ang Taliban at gobyerno ng Afghanistan sa darating na Setyembre 23.

Magugunitang biglang kinansela ni Trump ang pulong nito sa mga Taliban leaders matapos na madismaya sa isinagawang atake na ikinasawi ng isang sundalong Amerikano.

Nauna ng nagkaroon ng siyam na beses na pag-uusap ang US at Taliban representatives sa Doha, Qatar.

Kabilang sa nasabing proposal ang pag-withdraw ng US ng 5,400 sundalo sa loob ng 20 Linggo.