-- Advertisements --
Ipinakita ng mga grupo ng Taliban online ang ginawa nilang pagtaas ng kanilang bandila sa Panjshir, Afghanistan.
Ginawa ito ng grupo bilang patunay na nagtagumpay sila sa pagkuha ng Panjshir laban sa mga resistance fighters.
Ngunit, iginiit nang mga resistance fighters na nananatiling naroon pa ang kanilang presensya sa lahat ng strategic positions at patuloy na nakikipaglaban.
Nauna nang umapela si Ahmad Massoud sa kaniyang mga kasamahan na manindigan sa kanilang dignidad, kalayaan at kaunlaran ng kanilang lugar laban sa mga Taliban.
Napag-alaman na nasa 150,000 hanggang 200,000 katao ang naninirahan sa Panjshir.