-- Advertisements --

Nagbabala ang Taliban sa maaaring maging consequence kontra sa planong pagpapalawig ng tropang militar ng Amerika.

Ito ay may kaugnayan sa napagkasunduang deadline hanggang August 31 para sa evacuation operation sa mga nais na lisanin ang Afghanistan at tuluyang full withdrawal ng tropa ng militar.

Ayon kay Suhail Shaheen, tagapagsalita ng Taliban, ang naturang hakbang ng US ay nangangahulugan na pagpapalawig sa kanilang pag-okupa sa bansa.

Hindi din aniya papayag ang Taliban sakaling hilingin ng US o UK na ma-extend ang napagkasunduang deadline para sa nagpapatuloy na evacuation at nagbabala sa posibleng consequence.

Inaasahang maglalabas ng desisyon ngayong araw si US Pres. Joe Biden kung i-extend pa ang deadline sa pag-withdraw ng tropa sa Afghanistan at paglikas ng kanilang mga mamamayan sa nasabing bansa. (with reports from Bombo Everly Rico)