-- Advertisements --
Nakontrol ng Taliban ang Nerkh district sa Wardak province malapit sa Kabul, Afghanistan.
Isinagawa ang “surprise attack” tatlong araw bago ang pagsisimula ng ceasefire.
Ang nasabing lugar ay siyang pangalawang distrito na nasakop ng Taliban sa loob lamang ng isang linggo na ang una ay ang Borka district sa northern province ng Baghlan.
Sinabi ni Taliban spokesman Zabihullah Mujahid na lahat ng mga lugar sa nasabing distrito gaya ng police, army, intelligence department ay kanila ng nasakop.
Ipinagmalaki rin nito na marami silang napatay na mga sundalo at mga kapulisan sa nasabing lugar.
Kinumpirma rin ni Governor Abdul Rahman na nasakop ng Taliban ang lugar at umatras ang mga kasundaluhan at mga kapulisan.