-- Advertisements --

Pinaigting pa ng Taliban ang kanilang pagtugis sa mga indibidwal na nakipagsabwatan umano sa US at NATO forces sa kabila ng kanilang pangako na hindi sila maghihiganti sa kanilang mga katunggali.

Base sa report mula sa United Nations threat assessment consultant, nakalagay sa isang dokumento ang priority list ng mga aarestuhin ng Taliban militia kabilang dito ang Afghan military, police at intelligence unit na dating nakipag-alyansa sa US at NATO forces.

Ayon sa ilang ulat, nagsasagawa ang militanteng grupo ng targeted door to door visits sa mga indibidwal na nais nilang arestuhin kasama ang kanilang mga pamilya.

Iniisa ring iniinspeksyon ng Taliban ang mga indibidwal na nagtutungo sa Kabul airport at naglunsad ng checkpoints sa malalaking lungsod sa Afghanistan.

Dahil doito ibinabala ng intelligence unit na Norwegian center for global Analyses na target din na arestuhin ng Taliban ang nalalabing mga foreign pesonnel sa Afghanistan kabilang na ang mga medical workers kapag tinuligsa nila ang militanteng grupo.

Magugunita na matapos na mapasakamay ng insurgent group ang Presidential Palace ng Afghanistan, nangako ang militanteng grupo ng full amnesty sa lahat ng mga naglingkod sa western forces at nais na magkaroon ng magandang relasyon sa ibang nasyon.

Subalit marami pa rin ang nangangamba na hindi pa rin nagbabago ang Taliban sa kanilang paninindigan gaya ng muling paghahari ng mga ito sa Afghanistan 20 taon na ang nakalipas.