-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbabala ang Taliban na hindi sila mag-aatubiling patayin ang sinumang lalabag sa kanilang patakaran.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa Kabul-based jourrnalist na si Mir Wais Jalalzai, sinabi nito na labis silang nagimbal matapos pinaulanan ng bala ng mga Taliban ang mga nagsagawa nga protesta matapos nilang tanggalin ang Afghan flag sa silangang bahagi sa lungsod ng Jalalabad.
Ayon kay Jalalzai, tatlo ang namatay at dinosena ang sugatan sa pangyayari.
Kaagad naman anya na nagpaliwanag si Taliban spokesman Zabihullah Mujahid na sinasamantala anya ng ilang mga Afghan ang kanilang patakaran kung kaya’t napilitan silang paputukan ang mga nagpoprotesta.