Inanunsyo ng Taliban na magpapatupad sila ng tatlong araw na tigil-putukan sa Afghan government na magsisimula na ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng Eid-al-Fitr.
Kasunod ito ng paglobo ng bilang ng pag-atake ng nasabing Islamic group laban sa mga tropa ng pamahalaan nitong mga nakalipas na linggo.
Ayon kay Taliban spokesman Zabihullah Mujahid, sakali namang sakalayin sila sa loob ng nasabing panahon ay hindi sila magdadalawang isip na gumanti.
“Do not carry out any offensive operations against the enemy anywhere. If any action is taken against you by the enemy, defend yourself,” wika ni Mujahid.
Welcome naman para kay Afghan President Ashraf Ghani ang naturang anunsyo, at tiniyak na igagalang ng kanyang mga sundalo ang hakbang.
“I welcome the ceasefire announcement,” pahayag ni Ghani. “I have instructed [the military] to comply with the three-day truce and to defend only if attacked.” (BBC)