-- Advertisements --

Pinagbawalan na ng Taliban ang mga barbero sa Helmand province na gupitin ang mga balbas.

Ang pagtanggal umano kasi ng balbas ay labag sa batas ng Islam.

Ang sinumang lalabag sa kautusan ay papatawan ng mabigat na kaparusahan.

Maging ng mga barbero sa Kabul ay nakatanggap na rin ng mga babala.

Nauna ng ipinatupad ang nasabing batas noong unang namuno ang Taliban mula 1996 hanggang 2001.

Pagkatapos kasi noong pamumuno ng Taliban ay nauso sa mga Afghans ang pagtanggal ng mga balbas.