-- Advertisements --

Nagmatigas ang Taliban na hindi nila papayagang umalis ang kanilang mamamayan sa Afghanistan at binalaan pa ang US na dapat sundin ang pahayag na umalis na ang kanilang mga sundalo sa katapusan ng Agosto.

Sinabi ni Taliban spokesman Zabiullah Mujahid na ang mga dayuhan ay maaaring magtungo sa paliparan para umalis subalit ang mga Afghans ay dapat umuwi na sa kanilang mga kabahayan.

Hindi aniya nila ikakatuwa ang nasabing hakbang sa paglayas ng kanilang mga mamamayan.

Tiniyak din nito na bukas ang mga foreign embassies at aid agencies.

Sinasabing hinaharang na sa mga checkpoints ang kanilang mamamayan liban lamang sa mga foreign nationals.

Magugunitang maraming mga Afghans ang umaalis sa kanilang bansa matapos na sakupin ng Talibang ang pamumuno ng gobyero mula ng magdesisyon ang US na tanggalin ang kanilang mga sundalong nakatalaga doon.