-- Advertisements --

Pinalaya na ng Taliban ang American citizen na nakulong ng mahigit dalawang taon sa Afghanistan.

Ang 66-anyos na si George Glezmann ay balik na si US matapos na mapalaya dahil na rin sa pangangasiwa ng bansang Qatar.

Ang nasabing pagpapalaya ay resulta ng pagpupulong nina US hostage envoy Adam Boehler at Qatari counterpart nito.

Magugunitang ikinulong ng Taliban si Glezmann noong Disyembre 2022 kung saan siya ay pinaghinalaang nang-iispiya.

Si Glezmann ay siyang pangatlong US Citizen na pinalaya mula sa Afghanistan ngayong taon kasunod nina Ryan Corbett at William McKenty dahil sa prisoner exchange na ipinatupad noong Enero.