Sisimulan na muli ng Afghanistan ang pag-isyu ng passports para sa kanilang mga mamamayan sa ilalim ng bagong Talibang government.
Ayon kay Taliban Interior Ministry spokespman Qari Saeed Khosti na ang passport ay katulad din sa ibinigay noong nakaraang gobyerno sa ilalim ng Islamic Republic of Afhganistan.
Pansamantalang natigil kasi ang pagbibigay nila ng passport mula ng ikontrol ng Taliban ang goyberno halos dalawang buwan na ang nakakalipas.
Ipinagpatuloy nila ang pamamahagi ng passport matapos na payagan ng makabalik sa trabaho ang mga babaeng empleyado.
Nasa hanggang 6,000 passports ang kanilang ibibigay kung saan ang kanilang mga babaeng empleyado ng paliparan ang mangangasiwa sa mga aplikanteng babae rin.
Nauna ng pinayagan ng Taliban ang kanilang mamamayan na magtungo sa ibang bansa ganun din ang mga Afghans na mayroong immigrant visas.