-- Advertisements --

Tiniyak ng Taliban na kanilang rerespetuhin ang mga karapatan ng kababaihan sa Afghanistan.

Sinabi ni Zabihullah Mujahid ang tagapagsalita ng Taliban na walang magiging problema kapag ang mga Afghans ay mabubuhay na naaayos sa turo ng Islam.

Hindi naman binanggit nito kung ano-ano ang mga karapatan ng mga babae na kanilang bibigyan ng respeto.

Pinayagan din nila ang mga kababaihan na magsuot ng burka pero hindi pinayagan ang mga batang babae na may edad 10 pataas na pumasok sa paaralan.

Ibinahagi din nito ang ilang mga proyekto at plano ng Taliban matapos na tuluyang masakop ang Afghanistan.

Ilan sa mga ito ay ang pagbuo ng gobyerno.

Tiniyak din nila na hindi sila pagagamit sa anumang grupo lalo na mga al-Qaeda.

Hindi raw nila nais na magkaroon ng anumang internal o external na mga kalaban.

Magugunitang maraming mga Afghan ang lumikas sa kanilang bansa mula ng masakop ng Taliban ang mga lugar.