-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak daw ng Taliban na makakabalik sa normal na trabaho ang mga foreign missions, staff, at maging ang mga nagtatrabaho sa Kabul administration kasunod ng pagdeklara ng Afghan Taliban na “the war is over.”

Ayon kay Bombo international correspondent Lorena Aurelio, nagtatrabaho sa logistics company sa Kabul City, wala silang tiwala sa mga pangako ng Taliban.

Anya, hinihintay pa nila ang mga ilalabas na panuntunan ng Taliban.

Nilinaw din nito na hindi nananakit ang mga Taliban ngunit hindi anya mawawala ang kanilang pangamba na baka madamay sila sakaling may mangyaring mga putukan.