-- Advertisements --
Inako ng Taliban group ang pagsabog ng isang truck na puno ng granada sa Silangang bahagi ng Afghan City sa Garvez kumitil sa limang katao.
Nangyari ang pag-atake dalawang araw matapos mapatay ang halos 56 katao mula sa isa pang pag-atake na naging dahilan para muling pag-isipan ng bansa ang nakatakdang peace plans.
Kinondena naman ni President Ashraf Ghani ang naturang pag-atake. Inutusan na aniya nito ang tropa-militar ng kaniyang bansa na huwag nang magdalawang isip na umatake sa oras na malagay ulit sa panganib ang mamamayan ng Afghanistan.
Inaakusahan din ng gobyerno ang Taliban dahil sa umano’y pangangampanya ng huli sa terorismo at maging ang pakikipagsabwatan nito sa iba pang grupo ng mga militar.