-- Advertisements --

Umatras ang Taliban sa itinakdang pag-uusap nila ng gobyerno ng Afghanistan para tuluyang pagkamit ng kapayapaan.

Ayon sa tagapagsalita ng militanteng grupo na naging walang kuwenta ang unang paghaharap nila ng gobyerno.

Sa napagkasunduan ay magkakaroon ng prisoner swap ang US at Taliban.

Isa sana rin itong paraan para sa pagtigil na ng giyera subalit ayon sa Taliban na sinubukan ng mga Afghan officials na iantala ang pagpapakawala ng mga preso.

Ayon kay Matin Bek, miyembro ng negotiating team ng gobyerno na nais ng Taliban na pakawalan ang 15 commanders na sangkot sa mga malalaking pag-atake.

Hindi pumayag ang gobyerno dahil ayaw nilang makalaya ang mga taong pumatay sa kanilang mamamayan.

Papayag lamang na pakawalan ng gobyerno ang nasa 400 na Taliban prisoners na mayroong maliliit na atraso sa kanilang gobyerno.

Magugunitang napagkasunduan ng US at Taliban noong Pebrero ang prisoners swap bilang pagpapakita ng pagkakamabutihan ng dalawang panig.

Nilinaw naman ni Afghan President Ashraf Ghani na hindi naisama ang kanilang gobyerno ng mabuo ang kasunduan kaya ganun na lamang ang hirap nila na magpakawala ng mga Taliban prisoners.