-- Advertisements --

Nakuha ng Talk ‘N Text Tropang Giga ang kampeonato ng PBA Governor’s Cup matapos talunin ang Barangay Ginebra 97-93 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo si Mikey Williams na nagtala ng 38 points, habang mayroong 27 points at 13 rebounds si Rondae Hollis-Jefferson.

Ito ang unang Governors’ Cup title ng TNT mula ng sumali sa liga noong 1996.

Sinamantala ng TNT ang momentum at ilampaso ang Ginebra 4-2 sa best of seven finals nila.

Sa first half ay hawak ng Ginebra 27-30 subalit naging agresibo ang TNT at hindi nila hinayaan na makawala pa ang titulo.

Sa ilang minutong natitira ng last quarter ay hawak ng Ginebra ang kalamangan 93-92 pero naipasok ni Williams ang kaniyang three-points at nakuha ang 95-93 na kalamangan sa natitirang 1:43 sa laro.

Tinangka pa ni Brownlee na makuha ang kampeonato sa TNT subalit nabitawan niya ang bola na nagbigay ng free-throws kay Hollis-Jefferson para ipanalo ang laro.