-- Advertisements --

Asahan na magiging mainit ang panghuling araw ng Democratic National Conventions.

Ngayon araw kasi ay pormal ng tatanggapin ni US Vice President Kamala Harris ang kaniyang formal nominations ng mga kapartido.

Ilan sa mga nakatakdang magtalumpati ay sina Michigan Governor Gretchen Whitmer at North Carolina Governor Roy Cooper at high-profile Republican Adam Kinzinger.

Nitong ikatlong araw kasi ay nagtalumpati ang runningmate ni Harris na si Minnesota Governor Tim Walz.

Kasama rin nagtalumpati si dating US President Bill Clinton, dating House Speaker Nancy Pelosi at TV host na si Oprah Winfrey.

Magugunitang napili ni US President Joe Biden si Harris na siyang hahalili sa kaniya sa halalan sa buwan ng Nobyembre matapos na tumugon na ito sa panawagan ng mga kapapartido na umatras na lamang at haharapin nito si dating US President Donald Trump.