Bagaman hindi nakapagbigay ng impresibong performance sa nakalipas na Game 1, hindi pa rin nababahala si NBA champion Kyrie Irving sa kanilang magiging performance sa Game 2.
Naniniwala kasi ang Dallas guard na tamang attitude ang kanilang kailangan upang maipanalo ang susunod na game at bumawi sa Boston.
Ayon kay Irving, inaasahan niya ang kapareho pa ring crowd sa susunod na laban ngunit hindi aniya nila hahayaang makaka apekto ang ugali ng crowd sa kanilang susunod na laban.
Sa naging performance ni Irving sa unang game, nakapagpasok lamang siya ng anim na shots mula sa 19 pagtatangka habang wala ni isang pumasok sa kaniyang 5 3-pointers.
Gumawa rin ang dating Cavs star ng tatlong turnover sa kabuuan ng game.
Mula nang umalis si Irving sa Boston, nagtala na siya ng 0 – 11 win/loss record.
Gayunpaman, hindi umano nawawalan ng pag-asa ang koponan, habang nagpapatuloy pa rin ang best-of-seven series.