Naglabas ng holiday pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) kasabay ng pagdiriwang ng mga Muslim ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice bukas, araw ng Biyernes.
Sa abiso na inilabas ng DOLE, tatanggap ng doble o 200 porsyento sa arawang suweldo ang mga empleyadong papasok sa unang walong oras ng trabaho.
Dapat ding makatanggap ng dagdag na 30 porsyento ang mga manggagawa sa kanilang hourly rate kapag nag-overtime.
Ang mga empleyado namang hindi pumasok sa naturang holiday ay tatanggap ng 100 porsyento ng kanilang sahod.
Sakaling day off ng isang empleyado at siya’y pinapasok, dapat makatanggap ng dagdag na 30 porsyento ang isang manggagawa bukod pa sa double pay nito.
Maliban pa ito sa karagdagang 30 porsyento na dapat ibigay sa mga nag-cancel day off na empleyado para sa kanilang hourly rate kapag nag-overtime.